Law of attraction itech, wag kang epal. Oo, ikaw. Ikaw na malapit nang dumating, gabay ni Manong para magbigay-kulay at kahulugan sa buhay ko. Oo, ang mga estudyante ko ang nagbibigay-kahulugan sa buhay ko ngayon, pero alam mo na ibig sabihin nun. Ang tagal mo, ah. Tatanga-tanga ka siguro, ano. Naliligaw ka ba? Pwede bang makinig ka kasi sa mga bulong ni Manong, para hindi ka naman nade-delay. Pero sige lang… humanda-handa ka lang. Tatadtarin natin ang isa’t isa ng pagmamahal.
Ay paksyet ang keso teka nangingilo ngipin ko nauutot yata ako.
Pwede bang mag-request? Pwede bang mala-Jacob Black ang hotness mo? Mainam na kasi yung masarap sa mata yung laging nakikita, diba? Hayaan mo’t magpapaganda din ako (weh, utot).
Huy, galingan mo, ha. Gusto ko yung pag-dating mo, WITH A BANG! Yung makalaglag-underwear ba. Gusto ko din na maging honest at sincere ka. Gusto ko, loyal ka. Gusto ko, ikaw din yung tipo ng tao na naghahanap ng ‘Thiz iz really iz it!’ mo, tapos ako yun. Mala Rei Kashino ng ‘Mars’ na tipong sobrang gwapo at babaero noon, pero pag nakilala na ang ‘The One’ eh nuknukan ng loyal at lalim kung magmahal. O kaya ano.. Doumyouji Tsukasa ng ‘Hana Yori Dango’. Eh sa totoo lang, Doumyouji Tsukasa talaga ang tipo ko eh. As in. Super. Hahaha. Gwapo, mayaman, malakas ang dating. Higit sa lahat, tapat sa minamahal.
Gusto ko, ako naman yung malalaglag yung puso sa sobrang kilig. Gusto ko, ikaw naman yung mag-iisip ng isang libong paraan kung paano ipapakita at ipaparamdam sa akin na mahal mo ako at importante ako. Gusto ko, magbibigay ka ng bulaklak sa ordinaryong araw; tipong ipapa-deliver mo pa sa Faculty Room ng AMV. Walang okasyon, pero palaging may mga maliliit na bagay- kahit sulat lang o note, o maikling kiber sa scratch paper- basta nagpapahiwatig kung gaano mo ako kamahal. Gusto ko, ako naman ang papakiligin. Yung bonggang-bonggang pakiligan. Gusto ko, ako naman yung mamahalin ng sobra-sobra. Gusto ko ako naman yung malulunod sa pagmamahal, pero malaya pa rin ako.
May tiwala ka sa akin. Malaya akong kumilos at maging totoo sa sarili ko, at gayun din ang kalayaan na ibibigay ko sa iyo. Malaya tayong maging magka-ibang tao, pero iisa ang tibok ng puso natin. Malaya tayong gawin ang mga bagay na makakapag-pasaya sa mga sarili natin, pero hindi natin sasagasaan ang isa’t isa. Susuportahan natin ang trip ng isa’t isa. Kung gusto kong tumalon sa bangin, tatalon ka kasama ko. Kung gusto mong kumain ng palaka, kakain ako kasama mo. Kung gusto mong manahimik at mag-isip, mananahimik tayo’t mag-iisip- magkasama man o magkahiwalay. Kung gusto kong pumunta ng tagaytay para mag-zipline, isasakay mo ako sa kotse mo’t magzi-zipline tayo, kahit na may pasok tayo pareho kinabukasan. Kung gusto mong uminom kasama mga kaibigan mo, ngingiti ako, sasabihan kang wag mag basag ng bote sa ulo ng may ulo, at sasabihan ka ng ‘have fun!’. Kung gusto kong pumunta sa Manila Bay at manahimik sa harap ng dagat para pakinggan ang hampas ng alon sa batuhan, sasamahan mo ako para dalawa tayong manonood ng sunset, o di kaya’y bubuo ng pangarap sa harap ng kalikasan.
May oras ka para sa sarili mo, at may oras ako para sa sarili ko. May oras tayo para sa isa’t isa. May sarili kang utak at opinyon, at may sarili din ako. Mag-uusap tayo at magsasalo ng kanya-kanya nating kuro-kuro sa buhay-buhay. Minsan, hindi tayo sasang-ayon sa isa’t isa, at siguro kapag ganun, mag-aaway tayo’t gugustuhin kong basagin ang mukha mo sa salamin, pero gayunpaman, sa huli, magbabati tayo kasi nire-respeto natin ang opinyon at paniniwala ng isa’t isa.
Ipaparamdam mo sa akin kung paano ang magkaroon ng sarili kong superhero. Lagi nalang kasing ako ang hero, ako ang nagliligtas, ako ang tumutulong, ako ang sasalo, ako ang magdadala. Oo, itutuloy ko pa rin ang pagiging superhero ng lahat ng mahal ko. Pero ikaw… ikaw ang superhero ko.
Sa tuwing malungkot ka, papatawanin kita. Kapag pakiramdam mo inaabandona ka na ng mundo, hahawakan ko ang kamay mo at ipaparamdam ko sa iyo na nandito lang ako sa tabi mo. Karamay at kaakibat mo sa lahat ng bagay. Kapag pinipigilan ko ang luha ko, babatukan mo ko, yayakapin mo ako, at sasabihin mo sa akin na hindi sa lahat ng oras ay kailangan kong maging malakas. Sasabihin mo sa akin na minsan, ayos lang kahit maging mahina ako. Ok lang kahit umiyak ako. Hindi ka magagalit kapag nabasa ng luha at sipon ang damit mo, basta yayakapin mo lang ako kahit na alam mong ayokong niyayakap ako pag umiiyak ako kasi lalo akong naiiyak. Kapag mainit ang ulo ko, gagawa ka ng ishtooopid na bagay para matawa ako. Maiintindihan mo na paminsan, sadyang bipolar lang ako’t mainitin ang ulo ko. Tatapatan mo din ang sarcasm ko ng sarili mong brand ng sarcasm. Lagi tayong magtatablahan, para masaya. Winner. Hindi tayo maguusap ng matino, laging pabalang, kasi FUN.
May sarili akong kaibigan. Meron ka din. Pero gayunpaman, marunong tayo pareho makisama. Kung halimbawa dadalin mo ako sa club o bar, ok lang sa akin, kasi nandyan ka lang lagi sa tabi ko. Kung halimbawa naman dadalin kita sa yaoi convention, ok lang din sa iyo, basta’t may blindfold ka para hindi mo makikita ang mga litrato ng dalawang lalakeng nagbebembangan, at alam mo naman na gabay kita. Dadalin mo ako sa Enchanted Kingdom at maglalaro tayo doon na parang dalawang bata. Dadalin kita sa Anilao, at magiiscuba diving tayo doon, para maipakita ko sa iyo ang kakaibang mundo. Ang mundo sa ilalim ng dagat. Magpupunta tayo sa Star City, sa Boom na Boom, sa Museong Pambata, at sa Ocean Park. Mag-eenjoy tayo, kasi lagi tayong magkasama.
Tayo ang Number at Only One ng isa’t isa. Lagi tayong magte-text. Sun ka, kasi Sun ako’t nakalinya ako ng unli text. Kung sakaling iba ang network mo, bibili ka ng sun na sim, at magsu-subscribe sa My SuperPlans ng sun para unli din ang chikahan at biruan natin. Gusto ko sa tuwing umaga, ang una kong gagawin ay batiin ka ng ‘Good morning!’. Magiging good din ang morning ko kasi ang una kong mababasa ay text mo. Gusto ko ikaw din ang huli kong kausap bago ako matulog sa gabi, para sweet ang dreams. (shet ang keso naman nakanampoots lang eh). Iiwan ko ang cellphone ko lagi sa Faculty Room, pero pag break ko, makikita ko na nuknuuuukang dami mong text na iniwan sa telepono ko, lahat ma-keso, at lahat mapapangiti ako. Tipong mga nakakangilong message na parang pag nabasa ko eh gugustuhin kong basagin yung telepono ko kasi syet ang korni mo pero nakakatuwa kasi nakakakilig.
Ipapakilala mo ako sa pamilya mo, at aampunin nila ako. Ikaw naman, magiging tambay dito sa bahay, na tipong uutus-utusan ka na din ng nanay ko. Ipapakilala ko sa iyo ang minamahal kong mga estudyante, at ikaw ang magiging ‘Papa’ nila. Isasali mo ako sa retarded mong barkada, at ikaw din, ipapasok ko sa sintu-sinto kong barkada (since 12!).
Magiging mag best friend tayo. Susuportahan natin ang isa’t isa sa lahat ng oras. Papangalagaan ko ang pangarap mo, at bubuhayin mo ang akin. Maku-kwento natin ang lahat sa isa’t isa. Prangka tayo magsalita, at wala halos tinatago. Lahat, pwede nating pagkwentuhan at pagkabiruan. Ikaw ang tatayo na natitirang kalahati ng buhay ko (yung kalahati kasi si Buddy). Ako ang soul mate mo. Parang mag-barkada lang tayo. Magkaibigan tayo higit sa lahat, pero ang pagkakaibigan na ito ay papatungan ng matinding kilig, at malalim na pagmamahalan. Light lang, masaya, pero malalim ang samahan.
Kahit na parang lagi tayong magkasama, magkakaroon tayo ng panahon para sa sarili natin. Buo tayo kahit magkahiwalay, pero powerful tayo pag pinagsama. Walang tatalo sa tandem natin. Tayo ang magiging proof na kahit na ni-leche tayo ng pag-ibig noon, pwede parin bumangon, basta’t nakilala at tinanggap na ang ‘The One’.
Gusto ko, pag tanda natin, magkatabi tayong uupo sa rocking chair sa harap ng dagat. Sabay tayong manonood ng sunset, tapos magkahawak ang kamay natin, tapos magre-reminisce tayo tungkol sa mga taong nagdaan. Gusto ko pag tanda natin, cool pa rin tayo. Lagi pa rin tayong magbabangasan ng pabiro, at lagi parin natin papatawanin ang isa’t isa. Pag may rayuma ako, kukuhanan mo ako ng kumot tapos itatalukbong sa giniginaw kong mga hita’t binti. Pag ikaw naman nawalan ng ngipin, lagi kitang lulutuan ng mashed potato, mashed carrots, mashed corn, mashed corned beef, mashed sardinas, mashed corned tuna, mashed ma-ling, at lahat ng pwedeng i-mash. Gusto ko, may sarili tayong forever. Mga singsing sa sobrang kupas na, dahil sa tagal ng panahon. Gayunpaman, kahit wala na ang kinang, ok lang. Alam kasi natin na madaming pinagdaanan ang singsing. Parang tayong dalawa lang.
Alam ko na kung bakit sa kabila ng lahat ng binigay ko, sakripisyo ko, lahat ng pakulo na naisip ko para magpa-kilig, at sa kabila ng lahat ng pagmamahal na inalay ko, kinuha parin siya sa akin ng tadhana at langit. Alam ko na kung bakit nagkahiwalay kami. Mali kasi kami. Mali kasi siya para sa akin. Kulang-kulang siya, at sobra-sobra ako. Hindi patas. Hindi pwedeng ako ang magpuno sa kanya. Mali yun. Dapat pag nagkasama ang dalawang tao, parehong puno, parehong buo. Hindi pwedeng hindi patas, kaya mali kami para sa isa’t isa. Ikaw kasi ang para sa akin. Ikaw ang tama. Ikaw ang ‘The One’.
Super makapangyarihan si Manong. Siya ang magdadala sa iyo sa akin. Hindi na ako bibili, ha. Ikaw naman ang bibili sa akin. Basta, alagaan mo ako, kasi ako, alam ko na kung paano ako magmahal at mag-alaga. Mamahalin din kita ng sobra-sobra, para patas tayo.
Alam mo, sinira ng ungas yung puso ko, pero pinipili ko na buuhin ito, para sa iyo. Gusto ko diba, maayos ako pag nagkita tayo. Kasi ikaw din, siguro kaya ang tagal mo kasi tanga ka joke kasi inaayos mo pa din yung sarili jmo. Basta, tara. Punta ka na dito. Bilin mo na ‘ko. Magkita na tayo. Basta pag binulungan ka ni Bro, sunod ka lang ha. Ako, nandito, nag-eenjoy sa tabi ni Manong. Nangte-terrorize ako ng mga customer bago ko sila tulungan.
Excited na akong makilala at makasama ka.
Excited na akong simulan ang bagong kwento ko na ikaw ang kasama ko.
Ang kwentong ito, alam ko, ito na ang pinakamaganda, at pinakamalupit na love story ever ever forever and ever.
Para masabi na natin sa wakas, na ‘we lived happily ever after’.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento